Narealize ko lang na kahit madami naman akong maituturing na kaibigan, pakiramdam ko mag- isa pa rin ako.
Alam nyo yung feeling na yun?
Kahit open ako sa ibang parte ng buhay ko sa iba’t ibang tao na nakakasalamuha ko, kaunti pa lang din alam nila tungkol sa akin.
Sabi naman ng mga pinsan ko anti-social daw ako. Mahiyain din kasi akong tao.
Siguro kaya wala pa akong girlfriend. Mapili kasi ako.
Mapili ako sa mga sasabihin ko. May sariling filter ang utak ko.
Ironic kasi claustrophobic ako. Pero sinasarili ko ang mga bagay sa loob loob ko. Gets nyo?
Sa pisikal na mundo, ayokong nakukulong. Nasisikipan.
Pero sa loob ko, kulob. walang takas. Makakalabas lang kung sa pakiramdam ko kailangang kailangan na. as in emergency lang kumbaga.
Eh gago pala ako eh haha.